Saturday, December 27, 2014

Unfair 2

Tunog ng isang text message galing sa aking cellphone ang gumising sa akin. Alas siyete na pala ng umaga. Tiningnan ko ito. Si Gino. Amiel, ito ang text niya sa akin.

Nagdalawang isisp ako kung sasagutin ko ba ito or hindi. Ngunit sa huli, nagreply ako ng isang matipid na sagot, Oh?.

Sungit.

Hehehe.

Pwede mo ba ako samahan mamaya?

Saan?

Pedro Gil.

Anong gagawin natin doon?

Bibili ako ng Violin. Reregalo ko kay Mikah sa first monthsary namin.

Ahh.

Hindi ako nagbigay ng definite na sagot. Iniisip ko kung papayag ba ako or hindi. Kung papayag kasi ako, ang tanga tanga ko naman. Pero gusto ko siya makasama. Naguguluhan ako.

Naalala ko bigla yung usapan namin ni Maxine kagabi. Actually, madali para sa akin kung icoconfront ko si Mikah. Kaso maraming consequences. And in fact, gusto kong maghiwalay sila ni Gino. Sorry ang selfish ko. Pero ganito talaga siguro pag nagmamahal. Pero worth it nga ba?

I prepared myself for today's class. One o'clock ang klase namin kaso aaga ng pasok para makapag research. Hinihintay ko kung anong irereply niya kaso wala.

Mabilis na lumipas ang library. I gathered a large amount of photocopies and sent e-mails to necessary key persons. Hindi ko namalayan fifteen minutes na lang eh magta-time na.

Naglalakad ako papuntang classroom nang biglang tumakip sa mga mata ko. Base sa texture ng palad niya, alam kong si Maxine ito. Tumawa lang ako sa kanya.

"Anong drama mo?" tanong niya sa akin.

"Wala ah. Parang magkakasakit lang talaga ako."

May umakbay sa akin. Si Malik.

"Himala. Hindi si Gino ang kasama mo ngayon pagpasok ah. Hahaha," nangiinis na pagbati ni Malik.

Nginitian ko lang siya.

"I'm craving for Korean food," sabi ni Maxine.

"Kain tayo sa Samgyupsalamat mamaya," pagsang-ayon ni Malik.

"Sige. May pera pa naman ako," tugon ko.

"NICE!" Sabay na sinabi ni Maxine at Malik. Nanlalaki ang mga mata nila.

"Anong meron?"

"Himala. Sumama ka sa amin."

Natawa lang ako ng malakas. Sabagay. For the past years, masyado akong naka-dikit kay Gino. Hindi ko namamalayan na may iba pa din pala akong kaibigan. Maganda na rin siguro to at nakakabonding ko sila before graduation.


Pumasok kami ng classroom at naupo ako sa aking silya. As usual nakatingin na naman ako sa bintana at pinapanood ang mga taong naglalakad sa campus. May biglang nagsalita sa likod ko.

"Masasamahan mo ba ako mamaya?"

Shit. Oo nga pala. Nagpapasama si Gino sa akin. Buti nalang sumabat si Maxine.

"Ay may lakad pala kayo."

"Bakit?" tanong ni Gino.

"Kakain kami sana ni Amiel and Malik mamaya eh."

"Ahh ganon ba. Sorry."

"Ah eh. Gino pwede bang ipagpaliban natin yung pagbili? Nakapagcommit na kasi ako sa kanila." Nagaalangan akong tumugon.

Nakita ko ang disappointment sa mukha ni Gino. "Sige ok lang. Sale kasi ngayon eh."

Nakonsensya naman ako sa nangyari. Pero wala na akong magagawa.

Natapos ang class at we headed to Samgyupsalamat. We rode a jeep from Dapitan to Taft. The food was good. Paborito ko talaga ang Asian food. Not that I do not eat Western cuisine pero iba talaga ang dating ng Asian lalo na pag Chinese, Japanese and Korea. Well, medyo bias ako kasi may Chinese lineage ako. Hahaha.

Masaya ako ng oras na yun. Kulitan. Kwentuhan. Medyo nakakawala na rin ako sa isang sitwasyong ginawa ko na kumulong sa akin. Masarap sa pakiramdam.

I checked my phone pagkauwi ko. I texted Gino para kumustahin siya sa pagbili niya. He didn't respond. May feeling ako na nagtatampo sa akin. Nakakalungkot pero masarap din ng kaunti sa pakiramdam.

Nagpatuloy ang ganitong set up. Nag-uusap pa din kami pero hindi na ganoon kadikit katulad ng dati. Madalas na rin akong sumasama sa mga kabarkada ko and kahit sa hindi mga kabarkada. Perfect timing nga eh. Walang nakakapansin sa nagbagong set up. Maraming nagiisip na I am training myself to be a bit extraverted since we are going to graduate and social skills is necessary to find a job. Others think that epekto iyon nung pagde-date ko which is a hoax fabricated by Maxine. Minsan natatawa ako pero okay na rin ito.

One time nagkaroon kami ng reporting sa isa sa aming mga major subjects. Naging magkagrupo kami ni Gino dahil magkatabi kami. Okay naman ang naging arrangements. We decided to do the requirements in his condo unit.


Text Conversation


Kain muna tayo then derecho sa condo.

Ok. Saan?

Saan mo gusto?

Ikaw na bahala.

Wala akong alam na ganong resto. Hahaha.

Hahaha. Ang corny. Fastfood na lang.

Feeling ko alam ko na ang isususggest mong sunod. Hahaha.

Sige nga ano? hahaha.

Tokyo Tokyo.

Yes yes. :D

Sabi na nga ba. Tara na. Nagugutom na ako.


Nagkita kami sa tapat ng Tokyo Tokyo sa SM San Lazaro. Habang nasa counter,...

Cashier: Hi sir. May ka-date ba kayo?

Gino: Meron ate bakit?

Cashier: Try niyo po yung aming duo meals. Sulit.

Gino (humarap sa akin): Try natin?

Lumaki yung mata nugn cashier.

Gino: Sige ate gusto nung kadate ko.

Natatawa si Gino ganon na rin si Ate. Namula ako at napahiya kaya nagsalita na rin ako.

"Ginagago lang kayo niyan ate."

Nauna akong umalis sa linya upang humanap ng table para sa amin. Nadinig ko si cashier,

"Nagwalk out yung ka-date niyo sir."

"Ganoon talaga iyon. Tampuhin."


Dumating iyong pagkain namin at hindi ko siya pinapansin. Binasag niya ang katahimikan,

"Galit ka?" tanong niya.

"Hindi," sagot ko. Medyo malamig and naiinis yung tono ko.

"Eh bakit ganyan tono mo? haha"

"Wala."

"Big deal?"

Putang ina mo Gino tumigil ka na, sa isip ko. Nagbuntong hininga na lang ako.

"Joke lang. Hahaha."

Hinimas niya balikat ko at sinabi, "Ang sarap mong asarin."

Natapos kami kumain and we walked papunta sa condo unit niya. Meron siyang katext and I glanced na si Mikah yun. Nakakapgselos. Ang sweet nila. Iba yung ngiti ni Gino. Halata mong in-love. Syempre nag-iba ang mood ko. Na-depress ako.

Inabot kami ng mahigit tatlong oras pero hindi pa namin tapos yung report. Nagpahinga kami and nagmeryenda. Nagpa-order siya ng pizza. Nanonood kami ng movie habang nagrerelax. Gumaganda na yung tagpo ng movie nang bigla siyang tumabi sa akin.

Dumikit yung braso niya sa braso ko. Ewan ko. Parang sinadya ang lahat.

"Na-miss kita."

"Anong meron?"

"Grabe. Di mo man lang na-appreciate."

"Di ko gets."

"Wala. Ang cold mo kasi sa akin these past few weeks."

"Di naman ah. Halos lagi nga tayo magkasama eh."

Pokerface yung naging reaction niya.

"Bakit ang seryoso and ang drama mo yata ngayon?" tanong ko.

Nakita ko na gumigilid ang luha niya.

"Para kasing may mali eh. Ang distant mo sa akin."

Ngumiti lang ako. Tumungo siya ng ilang segundo.

Suddenly, sinabi niya sa akin,

"Ipapakilala ko na si Mikah sa barkada natin."

Shit. Parang gumuho ang mundo ko. Kakayanin ko ba? Hindi ko alam... Ang sakit Gino. Masakit.

Itutuloy...

Thursday, December 25, 2014

Unfair 1

"Musta bakasyon?" tanong ni Gino.

"Okay naman. As usual," sagot ko.

"Kami na ni Mikah."

Nanlamig ako sa aking nadinig. Natigilan. Parang gumuho ang pakiramdam ko. Namumutla ako. Nakahalata ng kakaiba si Gino.

"Hoy, sabi ko kami na ni Mika."

Bumalik ako sa katinuan.

"Ah...eh... Oh? Kailan pa? bakit ang bilis?"

 "Nung Christmas lang."

"Pero last month ka lang din nag-start manligaw, officially right?"

"Bakit pa natin patatagalin ang isang bagay kung pareho na naman kayo ng nararamdaman?"

"Hindi mo man lang siya kinilala ng husto? Hindi mo man lang inisip mga future conflicts niyo?"

"Alam mo sa love hindi mahalaga ang future. What is important is the present. Kung ano kayo ngayon."

"Pero..." Hindi ko naituloy ang aking pagsasalita ng bigla syang sumabat.

"Teka nga lang. Bakit hindi ka yata natutuwa para sa akin?"

"Hindi...hindi naman sa ganoon. Syempre nagtataka lang ako sa sobrang bilis ng mga pangyayari."

"Gannon talaga. Trust me. Mas marami akong alam tungkol sa love kesa sa'yo."

Medyo na-offend ako sa sinabing ito ni Gino. Kung sabagay, ako naman din ang may kasalanan kung bakit ganoon na lang ang sinabi niya. Ang pagkakaalam nila ay No Girlfriend since Birth ang status ko. Ayoko ko na kasing ikwento pa yung nangyari sa akin noong third year high school. Hindi siya worth it ikwento. Lalo ko lang nararamdaman na isa akong failure sa mga nilikha ng Diyos sa mundo.

Hindi pa din nagsi-sink in sa akin na may girlfriend na si Gino. Sobrang sakit at parusa nito sa akin. Hindi ko alam kung kakayanin ko. Hindi ko alam kung paano ko siya ngayon ia-approach. Kung paano na ang mga dating lakad at bondings namin. Natatakot ako na dumating yung araw na siya na mismo ang magre-request na lumayo ako ng konti dahil kailangan siya ng girlfriend niya.

Tahimik kaming naglakad pabalik ng classroom. Patuloy pa din akong nag-iisip at hindi ko siya kinakausap. Naupo ako sa upuan at tumabi siya sa akin. Shit. Oo nga pala. For the four straight years, lagi kaming magkatabi.  Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon.

Nasa kalagitnaan ng klase nang may biglang inabot na papel si Gino sa akin.

"Okay ka lang?"

Sasagutin ko sana iyong papel ngunit pinigilan ko muna ang aking kamay at inisip ko muna ang aking sasabihin.

Aaminin ko kaya sa kanya na hindi? Pero anong sasabihin kong dahilan?

Snulat ko ang salitang  "Yes".


I received another reply. "You're lying."

Hindi ko na lang sinagot yung sagot niya.

Natapos ang klase at napagkasunduang maglunch ng barkada. For the first time hindi ko tinabihan si Gino sa kanyang upuan. Well, buti na rin at naunahan ako ni Clarisa sa upuang katabi niya. Sa oras na ito inamin ni Gino yung affair nila ni Mikah.

Syempre kantyawan, asaran at maraming mga tanong. Nang biglang sumabat si Malik, "Sino ang una mong pinagsabihan about dito?"

"Si Amiel."

"Ahhh kaya pala hindi siya mukhang interesado ngayon habang nagkukwneto."

Tumawa lang ako.

"So si Amiel nalang ang walang girlfriend sa atin ngayon," pang aasar ni Andrew.

Inakbayan ako ni Maxine. "Oi Amiel sino yung babaeng ka-date mo sa Trinoma last Sunday?"

"Ha?"

Bakit alam niyang nasa Trinoma ako? Pero mag-isa lang ako noon ah?

Tinadyakan niya ako. "Sumakay ka na lang. Papaliwanag ko ang lahat mamaya."

"Ahhh ehhh kaibigan ko."

"Yun naman pala eh. Ka-IBIG-an naman daw hahaha."

"Kailan mi sya ipapakilala sa amin," tanong ni Frank.

Tumawa lang ako.

We ate our dinner and headed pauwi. Ang route ko pauwi ay makakasabay ko si Gino at Maxine. Hinatid muna namin ni Gino. "I'll call you later," sabi sa akin ni Maxine.

Naglalakad kami pauwi nang biglang binasag ni Gino ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"May sakit ka ba?"

"Wala naman. Pero masama pakiramdam ko. Bakit?"

"Kaya pala kanina ka pang tahimik at walang gana. Anong meron sa inyo ni Maxine? Sino yung babaeng ka-date mo daw?"

"Hindi ko alam kay Maxine." Natigilan ako at inisip sa kung anong isasagot doon sa allegedly babaeng ka-date ko. "Kaibigan ko lang yun. Nagpasama."

I sensed the doubt in his face.

"Diba doon ang daan mo pauwi?"

"Ihahatid kita?"

"Huwag na. Kaya ko naman umuwi mag-isa. Maabala ka pa."

"Diba lagi naman kitang hinahatid kasi may daan din naman dyan sa inyo papunta sa amin."

"No, I can manage. Please?"

Napatigil na lang siya. Nagtataka. Nakakunot ang noo.

"Bye. Ingat ka." Nagmamadali kong tugon para hindi na siya makasagot pa.

Ito na ito. This is it. Dito ko na sisimulan yung paglayo ko. Kailangan kong gawin ito dahil sa huli ako lang din naman ang masasaktan. Ako din yung talo.

Pagpasok ko sa bahay ay may tumawag sa phone ko. Si Maxine.

"Siguro naman nakapasok ka na sa bahay mo?"

"Stalker ka ba? Bakit pati yan inaalam mo?"

"Sungit naman nito."

"Anong atin?"

"Ayaw mo bang papasukin muna ako?"

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako kung bakit nasa labas siya.

"Naguguluhan ako."

"Upo muna tayo. Pagsalitain mo muna ako bago ka sumabat okay???"

Tumango ako sa kanyang authority.

"Kailangan ko ang tulong mo. Alam ko ang feelings mo para kay Gino. Delikado ang lagay niya kay Mikah. Kaklase ko si Mika mula elementary hanggang high school. Man hater si Mikah. Paglalaruan niya lang si Gino. Gusto niyang gantihan lahat ng lalaki sa mundo dahil sa ginawa sa kanila ng Daddy niya at nung niloko siya ng kanyang first boyfriend. On the other hand, lalala lang lalo si Mikah."

Sang-ayon ako sa sinabi ni Maxine. Kilala ko si Mikah pero walang nakakaalam noon even Gino. Mikah is a first cousin of my ex-girlfriend. Mikhaela Grace Tan. Mabait naman ang taong ito. Meron lang talaga siyang nakaraan.

"Pwede ka na magsalita."

"Paano mo nalaman?"

"Babae ako. Marami akong kaibigan katulad mo. Sanay na ako. Marunong akong umamoy."

"So hindi na talaga ako makaka-deny no?" seryoso kong sagot.

"Don't worry. Alam kong tinatago mo iyon. Hindi makakalabas ang sikreto mo."

"Salamat."

"Matutulungan mo ba ako?"

"Honestly, mukhang hindi. I decided na dumistansya na nang konti sa kanya."

"Why?"

"Nasasaktan ako hindi ba obvious?"

"Pero mahal mo siya diba?"

"Oo."

"At ayaw mo siyang masaktan?"

"Oo."

"So kailangan mo talaga akong tulungan."

"Ganoon ba talaga ka-lala si Mikah?"

"Yung last two boyfriends niya ay nagsuicide after nilang magbreak."

Blanko ag ekspresyon ko. Ibang iba sa Mikah na kilala ko. Well, it has been more than six years ago nung huli ko siya makita. Before. Before mag-migrate sa ibang bansa yung ex ko. Hmmmmmm.

"Ayoko magpromise. But I'll do my best. Promise me one thing pala."

"Pag hindi na kaya ng emotion ko, saluhin mo ako."

"Why? Ganoon ka ba kahina?" Nagtatakang tugon niya.

"Sort of."

"Amiel. You need to hold on."

"Basta I'll try and I'll do my best."

"Deal."

Itutuloy

Friday, December 12, 2014

Unfair (Prologue)

Unang araw sa eskwela ng bagong taon. Karamihan ay nagkukwentuhan tungkol sa kanilang bakasyon noong nakaraang Pasko. Narito ako nakaupo sa tabi sa may bintana. Nakapalibot sa akin ang ilang mga kaibigan. Nakikinig ako sa kanila pero nakatanaw ako sa malayo at pinapanood ang mga dumaraang estudyante at pagwasiwas ng mga dahon ng puno sa labas. Hayy. Nababagot talaga sa mga ganitong eksena. Hindi ko alam kung bakit nagenjoy ang karamihan sa mga ganito ka-corny na mga usapan: escapades nung bakasyon, love life, Christmas surprises, etc.

Nakatanaw pa din ako sa labas ng may kumalabit sa akin.

"Nagbreakfast ka na?"

"Oo eh. Bakit?"

"Nagugutom ako. Matagal pa naman yung oras. Gusto ko kumain."

"Sige samahan na lang kita."

Tumayo ako at papalabas kami ni Gino nang bigla kaming tinawag ni Malik at tinanong, "Pasaan kayo?"

"Magde-date lang kami ni Amiel."

"Gago." Ang walang emosyon kong sagot.

"Sige. Mukhang na-miss niyo nga ang isa't isa. Hahaha."

Kilig moment. Hahahaha.



Ako si Rex Amiel Go. 19 years old. Isa akong college student sa University of Santo Tomas. Matalino daw akong tao. Kilala ako dahil isa ako sa mga dean's listers sa aming batch. Physical characteristics? Matangakad. Malapad ang kaha. Medyo mataba pero tama lang sa taas ng aking katawan. Malabo ang aking mata kaya meron akong salamin. Hindi ako kagwapuhan pero sabi nila kapag pumayat at inayusan ko ang aking partially nerd na appeal, may magkakagusto raw sa akin.

I am a discreet bisexual. Takot akong malaman ng ibang tao kung ano ako. Pareho akong attracted sa lalaki at babae. Akala ko dati puro libog lang ang mararamdaman ng isang katulad ko. Nagkamali ako. Simula nang tumuntong ako sa kolehiyo ay natutunan ko ang salitang "pagmamahal". Minahal ko ang isang lalaki na kahit kailan aymukhang imposible akong mahalin.

Ang lalaking ito ay nagngangalang Gino. Full name? Gino Excalibur Teehankee. Straight kasi siya. Imposible na magustuhan niya ako kasi unang una gwapo siya. Malakas ang appeal niya sa mga kababaihan. Hindi ako masyadong nagagwapuhan sa kanya. Napansin ko nga mostly mga bading ang nagkakagusto sa kanya.May porma ang kanyang katawan. Tamang tama ito sa kanyang matangkad na postura.


Sobrang malapit kami sa isa't isa. Halos lagi kaming magkasama kaya nga minsan napagkakamalan kaming mag-syota. Mabait siya. Masayahin. Palabiro. Maalalahanin. Sweet. I dont know but it seems he cares about me.  Sobrang balidoso at metikoloso. Mahilig siya sumundot sa tagiliran at kurutin ang braso o yung baby fats ko sa likod. Bukod pa doon, may something sa mga mata niya kung bakit nahulog ang loob ko sa kanya. Iba kasi yung mata niya. Singkit na mataray. Ewan ko. Attracted ako sa ganun. Ngunit may mga downsides din siya. Matalino din siyang tao kaso tamad siya mag-aral at mahilig magprocrastinate. May pagka-happy go lucky din siya. Basta gusto niya masaya siya as of the moment at hindi iniisip ang mga future consequences. Minsan, pilyo at sobrang bully. Sobrang narcissistic at vain din niya.

Minsan, dahil sa sobrang close namin ay nabibigyan ko na nang kulay yung mga ginagawa niya sa akin tulad ng pagkurot kurot, pagtawag sa akin kahit wala naman siyang sasabihin personal man or sa cellphone, pagpapasama at gusto niya akong makatabi sa upuan, at iyong mga gawa ng pagiging sweet yung pagbulong na sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko at pagtatanggol sa akin kung sakaling may nangbubully. Madalas tuwing gabi ay nagde-daydream ako na magboyfriend kami.

On the other hand, speaking of sexual desires, noong una wala akong nararamdaman libog para sa kanya. Basta ang alam ko noon, masaya ako kapag kasama ko siya. Pero lately, as our bodies develop, nakakaramdam ako ng fetishes sa kanya lalo na pag nakikita ko yung shape ng butt niya in his black slacks. Naaakit ako tumingin dito. There are times na napapanaginipan ko na nagjajakol siya or naliligo habang binobosohan ko. May mga pagkakataon din na nagpaparaos ako na iniisip ko siya wherein I am sucking his dick gently while massaging his gorgeous butt. Enough of this confession hahahaha.

Akala ko noon, patuloy yung pagiging sweet namin kaso hindi pala lahat ng bagay ay nagtatagal. Nagbabago ang tao at mas pahihirapan ka ng pagkakataon.

Yaoi

I've been a fan of yaoi since elementary. However, my puberty years utilized yaoi for my sexual fantasies. Last year, since I confirmed that I have feelings for a certain person, I tried to watch a real yaoi anime. The anime is entitled Sekaiichi Hatsukoi. This anime opened my eyes about the deeper feeling of being in love. All the pains, jealosuy and the kilig. The first ending song of this anime is one of my favorite songs. Though I do not fully understand the lyrics, I know that the song is full of emotion. Hope you enjoy it.


Tuesday, December 9, 2014

I AM BACK

Hi. My name is Lex Aeterna. This is my new blog. I am the one responsible for the existence of the blog Bisexual Hoping Stories. Yes, I am the author of the unfinished story entitled I Need To. I do apologize for my negligence. I really love the character of Amiel; however, due to unforeseen circumstances, I failed to continue the story.

So what now? What will happen in this blog?

I am planning to revive Amiel’s character; however,he will be placed in a different universe. New setting. New characters. New plot. I am more matured now and discovered new facets of this kind of love story. I do not promise that I will update the story weekly. What I can assure is that I will do my best to satisfy my audience.

Thank you very much.