"Musta bakasyon?" tanong ni Gino.
"Okay naman. As usual," sagot ko.
"Kami na ni Mikah."
Nanlamig ako sa aking nadinig. Natigilan. Parang gumuho ang pakiramdam ko. Namumutla ako. Nakahalata ng kakaiba si Gino.
"Hoy, sabi ko kami na ni Mika."
Bumalik ako sa katinuan.
"Ah...eh... Oh? Kailan pa? bakit ang bilis?"
"Nung Christmas lang."
"Pero last month ka lang din nag-start manligaw, officially right?"
"Bakit pa natin patatagalin ang isang bagay kung pareho na naman kayo ng nararamdaman?"
"Hindi mo man lang siya kinilala ng husto? Hindi mo man lang inisip mga future conflicts niyo?"
"Alam mo sa love hindi mahalaga ang future. What is important is the present. Kung ano kayo ngayon."
"Pero..." Hindi ko naituloy ang aking pagsasalita ng bigla syang sumabat.
"Teka nga lang. Bakit hindi ka yata natutuwa para sa akin?"
"Hindi...hindi naman sa ganoon. Syempre nagtataka lang ako sa sobrang bilis ng mga pangyayari."
"Gannon talaga. Trust me. Mas marami akong alam tungkol sa love kesa sa'yo."
Medyo na-offend ako sa sinabing ito ni Gino. Kung sabagay, ako naman din ang may kasalanan kung bakit ganoon na lang ang sinabi niya. Ang pagkakaalam nila ay No Girlfriend since Birth ang status ko. Ayoko ko na kasing ikwento pa yung nangyari sa akin noong third year high school. Hindi siya worth it ikwento. Lalo ko lang nararamdaman na isa akong failure sa mga nilikha ng Diyos sa mundo.
Hindi pa din nagsi-sink in sa akin na may girlfriend na si Gino. Sobrang sakit at parusa nito sa akin. Hindi ko alam kung kakayanin ko. Hindi ko alam kung paano ko siya ngayon ia-approach. Kung paano na ang mga dating lakad at bondings namin. Natatakot ako na dumating yung araw na siya na mismo ang magre-request na lumayo ako ng konti dahil kailangan siya ng girlfriend niya.
Tahimik kaming naglakad pabalik ng classroom. Patuloy pa din akong nag-iisip at hindi ko siya kinakausap. Naupo ako sa upuan at tumabi siya sa akin. Shit. Oo nga pala. For the four straight years, lagi kaming magkatabi. Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon.
Nasa kalagitnaan ng klase nang may biglang inabot na papel si Gino sa akin.
"Okay ka lang?"
Sasagutin ko sana iyong papel ngunit pinigilan ko muna ang aking kamay at inisip ko muna ang aking sasabihin.
Aaminin ko kaya sa kanya na hindi? Pero anong sasabihin kong dahilan?
Snulat ko ang salitang "Yes".
I received another reply. "You're lying."
Hindi ko na lang sinagot yung sagot niya.
Natapos ang klase at napagkasunduang maglunch ng barkada. For the first time hindi ko tinabihan si Gino sa kanyang upuan. Well, buti na rin at naunahan ako ni Clarisa sa upuang katabi niya. Sa oras na ito inamin ni Gino yung affair nila ni Mikah.
Syempre kantyawan, asaran at maraming mga tanong. Nang biglang sumabat si Malik, "Sino ang una mong pinagsabihan about dito?"
"Si Amiel."
"Ahhh kaya pala hindi siya mukhang interesado ngayon habang nagkukwneto."
Tumawa lang ako.
"So si Amiel nalang ang walang girlfriend sa atin ngayon," pang aasar ni Andrew.
Inakbayan ako ni Maxine. "Oi Amiel sino yung babaeng ka-date mo sa Trinoma last Sunday?"
"Ha?"
Bakit alam niyang nasa Trinoma ako? Pero mag-isa lang ako noon ah?
Tinadyakan niya ako. "Sumakay ka na lang. Papaliwanag ko ang lahat mamaya."
"Ahhh ehhh kaibigan ko."
"Yun naman pala eh. Ka-IBIG-an naman daw hahaha."
"Kailan mi sya ipapakilala sa amin," tanong ni Frank.
Tumawa lang ako.
We ate our dinner and headed pauwi. Ang route ko pauwi ay makakasabay ko si Gino at Maxine. Hinatid muna namin ni Gino. "I'll call you later," sabi sa akin ni Maxine.
Naglalakad kami pauwi nang biglang binasag ni Gino ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"May sakit ka ba?"
"Wala naman. Pero masama pakiramdam ko. Bakit?"
"Kaya pala kanina ka pang tahimik at walang gana. Anong meron sa inyo ni Maxine? Sino yung babaeng ka-date mo daw?"
"Hindi ko alam kay Maxine." Natigilan ako at inisip sa kung anong isasagot doon sa allegedly babaeng ka-date ko. "Kaibigan ko lang yun. Nagpasama."
I sensed the doubt in his face.
"Diba doon ang daan mo pauwi?"
"Ihahatid kita?"
"Huwag na. Kaya ko naman umuwi mag-isa. Maabala ka pa."
"Diba lagi naman kitang hinahatid kasi may daan din naman dyan sa inyo papunta sa amin."
"No, I can manage. Please?"
Napatigil na lang siya. Nagtataka. Nakakunot ang noo.
"Bye. Ingat ka." Nagmamadali kong tugon para hindi na siya makasagot pa.
Ito na ito. This is it. Dito ko na sisimulan yung paglayo ko. Kailangan kong gawin ito dahil sa huli ako lang din naman ang masasaktan. Ako din yung talo.
Pagpasok ko sa bahay ay may tumawag sa phone ko. Si Maxine.
"Siguro naman nakapasok ka na sa bahay mo?"
"Stalker ka ba? Bakit pati yan inaalam mo?"
"Sungit naman nito."
"Anong atin?"
"Ayaw mo bang papasukin muna ako?"
Binuksan ko ang pinto at nagulat ako kung bakit nasa labas siya.
"Naguguluhan ako."
"Upo muna tayo. Pagsalitain mo muna ako bago ka sumabat okay???"
Tumango ako sa kanyang authority.
"Kailangan ko ang tulong mo. Alam ko ang feelings mo para kay Gino. Delikado ang lagay niya kay Mikah. Kaklase ko si Mika mula elementary hanggang high school. Man hater si Mikah. Paglalaruan niya lang si Gino. Gusto niyang gantihan lahat ng lalaki sa mundo dahil sa ginawa sa kanila ng Daddy niya at nung niloko siya ng kanyang first boyfriend. On the other hand, lalala lang lalo si Mikah."
Sang-ayon ako sa sinabi ni Maxine. Kilala ko si Mikah pero walang nakakaalam noon even Gino. Mikah is a first cousin of my ex-girlfriend. Mikhaela Grace Tan. Mabait naman ang taong ito. Meron lang talaga siyang nakaraan.
"Pwede ka na magsalita."
"Paano mo nalaman?"
"Babae ako. Marami akong kaibigan katulad mo. Sanay na ako. Marunong akong umamoy."
"So hindi na talaga ako makaka-deny no?" seryoso kong sagot.
"Don't worry. Alam kong tinatago mo iyon. Hindi makakalabas ang sikreto mo."
"Salamat."
"Matutulungan mo ba ako?"
"Honestly, mukhang hindi. I decided na dumistansya na nang konti sa kanya."
"Why?"
"Nasasaktan ako hindi ba obvious?"
"Pero mahal mo siya diba?"
"Oo."
"At ayaw mo siyang masaktan?"
"Oo."
"So kailangan mo talaga akong tulungan."
"Ganoon ba talaga ka-lala si Mikah?"
"Yung last two boyfriends niya ay nagsuicide after nilang magbreak."
Blanko ag ekspresyon ko. Ibang iba sa Mikah na kilala ko. Well, it has been more than six years ago nung huli ko siya makita. Before. Before mag-migrate sa ibang bansa yung ex ko. Hmmmmmm.
"Ayoko magpromise. But I'll do my best. Promise me one thing pala."
"Pag hindi na kaya ng emotion ko, saluhin mo ako."
"Why? Ganoon ka ba kahina?" Nagtatakang tugon niya.
"Sort of."
"Amiel. You need to hold on."
"Basta I'll try and I'll do my best."
"Deal."
Itutuloy
No comments:
Post a Comment