Tunog ng isang text message galing sa aking cellphone ang gumising sa
akin. Alas siyete na pala ng umaga. Tiningnan ko ito. Si Gino. Amiel, ito ang text niya sa akin.
Nagdalawang isisp ako kung sasagutin ko ba ito or hindi. Ngunit sa huli, nagreply ako ng isang matipid na sagot, Oh?.
Sungit.
Hehehe.
Pwede mo ba ako samahan mamaya?
Saan?
Pedro Gil.
Anong gagawin natin doon?
Bibili ako ng Violin. Reregalo ko kay Mikah sa first monthsary namin.
Ahh.
Hindi ako nagbigay ng definite na sagot.
Iniisip ko kung papayag ba ako or hindi. Kung papayag kasi ako, ang
tanga tanga ko naman. Pero gusto ko siya makasama. Naguguluhan ako.
Naalala
ko bigla yung usapan namin ni Maxine kagabi. Actually, madali para sa
akin kung icoconfront ko si Mikah. Kaso maraming consequences. And in
fact, gusto kong maghiwalay sila ni Gino. Sorry ang selfish ko. Pero
ganito talaga siguro pag nagmamahal. Pero worth it nga ba?
I
prepared myself for today's class. One o'clock ang klase namin kaso
aaga ng pasok para makapag research. Hinihintay ko kung anong irereply
niya kaso wala.
Mabilis na lumipas ang library. I
gathered a large amount of photocopies and sent e-mails to necessary key
persons. Hindi ko namalayan fifteen minutes na lang eh magta-time na.
Naglalakad
ako papuntang classroom nang biglang tumakip sa mga mata ko. Base sa
texture ng palad niya, alam kong si Maxine ito. Tumawa lang ako sa
kanya.
"Anong drama mo?" tanong niya sa akin.
"Wala ah. Parang magkakasakit lang talaga ako."
May umakbay sa akin. Si Malik.
"Himala. Hindi si Gino ang kasama mo ngayon pagpasok ah. Hahaha," nangiinis na pagbati ni Malik.
Nginitian ko lang siya.
"I'm craving for Korean food," sabi ni Maxine.
"Kain tayo sa Samgyupsalamat mamaya," pagsang-ayon ni Malik.
"Sige. May pera pa naman ako," tugon ko.
"NICE!" Sabay na sinabi ni Maxine at Malik. Nanlalaki ang mga mata nila.
"Anong meron?"
"Himala. Sumama ka sa amin."
Natawa
lang ako ng malakas. Sabagay. For the past years, masyado akong
naka-dikit kay Gino. Hindi ko namamalayan na may iba pa din pala akong
kaibigan. Maganda na rin siguro to at nakakabonding ko sila before
graduation.
Pumasok kami ng classroom at
naupo ako sa aking silya. As usual nakatingin na naman ako sa bintana at
pinapanood ang mga taong naglalakad sa campus. May biglang nagsalita sa
likod ko.
"Masasamahan mo ba ako mamaya?"
Shit. Oo nga pala. Nagpapasama si Gino sa akin. Buti nalang sumabat si Maxine.
"Ay may lakad pala kayo."
"Bakit?" tanong ni Gino.
"Kakain kami sana ni Amiel and Malik mamaya eh."
"Ahh ganon ba. Sorry."
"Ah eh. Gino pwede bang ipagpaliban natin yung pagbili? Nakapagcommit na kasi ako sa kanila." Nagaalangan akong tumugon.
Nakita ko ang disappointment sa mukha ni Gino. "Sige ok lang. Sale kasi ngayon eh."
Nakonsensya naman ako sa nangyari. Pero wala na akong magagawa.
Natapos
ang class at we headed to Samgyupsalamat. We rode a jeep from Dapitan
to Taft. The food was good. Paborito ko talaga ang Asian food. Not that I
do not eat Western cuisine pero iba talaga ang dating ng Asian lalo na
pag Chinese, Japanese and Korea. Well, medyo bias ako kasi may Chinese
lineage ako. Hahaha.
Masaya ako ng oras na yun. Kulitan. Kwentuhan. Medyo nakakawala na rin ako sa isang sitwasyong ginawa ko na kumulong sa akin. Masarap sa pakiramdam.
I checked my phone pagkauwi ko. I texted Gino para kumustahin siya sa pagbili niya. He didn't respond. May feeling ako na nagtatampo sa akin. Nakakalungkot pero masarap din ng kaunti sa pakiramdam.
Nagpatuloy ang ganitong set up. Nag-uusap pa din kami pero hindi na ganoon kadikit katulad ng dati. Madalas na rin akong sumasama sa mga kabarkada ko and kahit sa hindi mga kabarkada. Perfect timing nga eh. Walang nakakapansin sa nagbagong set up. Maraming nagiisip na I am training myself to be a bit extraverted since we are going to graduate and social skills is necessary to find a job. Others think that epekto iyon nung pagde-date ko which is a hoax fabricated by Maxine. Minsan natatawa ako pero okay na rin ito.
One time nagkaroon kami ng reporting sa isa sa aming mga major subjects. Naging magkagrupo kami ni Gino dahil magkatabi kami. Okay naman ang naging arrangements. We decided to do the requirements in his condo unit.
Text Conversation
Kain muna tayo then derecho sa condo.
Ok. Saan?
Saan mo gusto?
Ikaw na bahala.
Wala akong alam na ganong resto. Hahaha.
Hahaha. Ang corny. Fastfood na lang.
Feeling ko alam ko na ang isususggest mong sunod. Hahaha.
Sige nga ano? hahaha.
Tokyo Tokyo.
Yes yes. :D
Sabi na nga ba. Tara na. Nagugutom na ako.
Nagkita kami sa tapat ng Tokyo Tokyo sa SM San Lazaro. Habang nasa counter,...
Cashier: Hi sir. May ka-date ba kayo?
Gino: Meron ate bakit?
Cashier: Try niyo po yung aming duo meals. Sulit.
Gino (humarap sa akin): Try natin?
Lumaki yung mata nugn cashier.
Gino: Sige ate gusto nung kadate ko.
Natatawa si Gino ganon na rin si Ate. Namula ako at napahiya kaya nagsalita na rin ako.
"Ginagago lang kayo niyan ate."
Nauna akong umalis sa linya upang humanap ng table para sa amin. Nadinig ko si cashier,
"Nagwalk out yung ka-date niyo sir."
"Ganoon talaga iyon. Tampuhin."
Dumating iyong pagkain namin at hindi ko siya pinapansin. Binasag niya ang katahimikan,
"Galit ka?" tanong niya.
"Hindi," sagot ko. Medyo malamig and naiinis yung tono ko.
"Eh bakit ganyan tono mo? haha"
"Wala."
"Big deal?"
Putang ina mo Gino tumigil ka na, sa isip ko. Nagbuntong hininga na lang ako.
"Joke lang. Hahaha."
Hinimas niya balikat ko at sinabi, "Ang sarap mong asarin."
Natapos kami kumain and we walked papunta sa condo unit niya. Meron siyang katext and I glanced na si Mikah yun. Nakakapgselos. Ang sweet nila. Iba yung ngiti ni Gino. Halata mong in-love. Syempre nag-iba ang mood ko. Na-depress ako.
Inabot kami ng mahigit tatlong oras pero hindi pa namin tapos yung report. Nagpahinga kami and nagmeryenda. Nagpa-order siya ng pizza. Nanonood kami ng movie habang nagrerelax. Gumaganda na yung tagpo ng movie nang bigla siyang tumabi sa akin.
Dumikit yung braso niya sa braso ko. Ewan ko. Parang sinadya ang lahat.
"Na-miss kita."
"Anong meron?"
"Grabe. Di mo man lang na-appreciate."
"Di ko gets."
"Wala. Ang cold mo kasi sa akin these past few weeks."
"Di naman ah. Halos lagi nga tayo magkasama eh."
Pokerface yung naging reaction niya.
"Bakit ang seryoso and ang drama mo yata ngayon?" tanong ko.
Nakita ko na gumigilid ang luha niya.
"Para kasing may mali eh. Ang distant mo sa akin."
Ngumiti lang ako. Tumungo siya ng ilang segundo.
Suddenly, sinabi niya sa akin,
"Ipapakilala ko na si Mikah sa barkada natin."
Shit. Parang gumuho ang mundo ko. Kakayanin ko ba? Hindi ko alam... Ang sakit Gino. Masakit.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment